Magandang Araw sa mga pogi at magagandang mambabasa! kumain na po ba kayo? mabuti naman kung kumain na kayo at dun sa hindi pa kumakain, dadalhin ko kayo sa ilang lugar kung saan makikilala natin ang kanilang pinakapinagmamalaking pagkain. dahil tayong mga pilipino ay kilala sa mga mahilig kumain at masasarap ang niluluto.

Samar at Leyte- Binagol
Ito ay isang taro pudding na may mani. Pinangalanan itong binagol dahil sa lalagyan nito----inayos na bagal ng niyog na tinatawag na "Binagol". ito ay nakabalot sadahon ng saging at tinalian ng tali. ang pinaka sangkap nito ay ang taro, o ang gabi na minatamis. ang binagol ay sikat sa Samar at Leyte na binabalikan ng mga turista.

Borongan Easstern Samar- Salukara
Ito ay parang Pancake, ngunit litaw ang pagiging pinoy neto kesa sa pancake na mula sa America.ito ay ginawa sa giniling na bigas at asukal, at sa halip na baking powder, tuba ang ginagamit na sangkap dito.

Catarman, Eastern Samar- Suman Latik
Ito ay hugis tatsulok na suman: buong-buo ang butil ng kanin na masarap ipares sa kape, at ang lalong nagpapasarap dito ay ang latik. ang latikna ito ay manamis-namis at malagkit. Ito ay napakasarap!

Abuyog, Leyte- Moron
Isa din itong suman na may kasamangchocolate flavor. ito ay gawa sa giniling na bigas na niluto sa gata ng niyog at hinaluan o linasahan ng cocoa. Ito ay malambot gaya ng budbud kabog. ito ay sikat at dinadayo ng mga turista sa Abuyog, Leyte.

Carigara, Leyte- Pastillas
Ang pastillas ay isa sa pinagmamalaking produkto ng Carigara.ito ay napakasarap dahil sa ito ay gawa sa gatas ng kalabaw. MAlalasahan mo talaga ang linamnam ng gatas ng kalabaw.
Nabusog ba kayo mga pogi at magagandang kong mambabasa sa mga ipinagmamalaking pagkain ng: Samat at Leyte- ang Binagol; Eastern Samar- Salukara; Cataman Eastern, Samar- Suman Latik; Carigara; Pastillas, hinay- hinay lang at mag-enjoy sa pagkain! Salamat!
👏
TumugonBurahin